Sunday, April 29, 2012

Ang Lalaki \m/



Ang lalaki :


Hindi mahilig sa mahabang usapan.

Hindi tumatagal sa seryosong usapan.

Mabilis mainip sa isang sitwasyon.

Hindi mahilig sa mahabang paliwanag.

Mabilis uminit ang ulo.

Nakakapagsabi ng hindi maganda minsan.
Madalas tumingin sa mga sexy na dumadaan.


Pero kahit ganun, ang lalaki pag nagmahal ng TOTOO :




✔ Kahit hindi mahilig sa mahabang usapan, basta makausap lang babaeng mahal nya, kahit wala nang mapag-usapan, ayaw pang ibaba ang cellphone.


✔ Hindi man tumatagal sa seryosong usapan pero pag tungkol sa kanilang dalawa at sa kung ano mang problema nila ng babaeng mahal niya gumagawa ng paraan para maayos agad at hindi na lumala pa.


✔ Kahit mainipin man pero pag kasama ka na, parang ayaw ka pang pauwiin kasi gusto ka pang makasama ng matagal.


✔ Hindi man mahilig sa mahabang paliwanag pero kung nasasaktan na, kahit ayaw mo pang making sa paliwanag na yun, mag-eeffort pa rin para mapaintindi ka.


✔ Mabilis man uminit ang ulo pero sa isang lambing mo lang, lumalamig na.


✔ Nakakapagsabi man ng hindi maganda minsan, dala lang yun sa init ng ulo. Pagkatapos ng away, hihingi pa rin ng tawad. Kasi para sa mga lalaki dapat sila yung boss pero ang totoo, kayo pa rin mga babae yun. :))


✔ at kahit madalas silang tumingin sa iba at pumuri sa mga magagandang babae dyan, bago sila matulog, kayo pa ring mga babae ang nasa isip nila. Kayo pa rin an ang nag-iisa sa puso nila at pinakamaganda sa paningin nila. :))))



No comments:

Post a Comment