Sunday, April 29, 2012

Bandwagon Mentality.


Ano muna ang BANDWAGON mentality?

Ang Bandwagon mentality ang hirap iexplain haha. magbibigay nalang ako ng halimbawa. Katulad ng nasa picture na yan. Sa facebook diba marami tayong nakikitang mga babaeng nagpipicture ng nakahubad para magkaroon ng madaming likes sa photo. So what if nakita ng batang babae yung picture at madaming likes yung picture na yun at mga advantages na comment ang tendency nun ay magiisip ang batang babae na ito "Ay Ginawa naman niya eh Gagawin ko rin para marami rin akong likes sa photo" . Edi gagawin niya ito.
At hindi niya alam na nababawasan na ang pagkababae niya dahil sa picture na yun.


Haters.



Ano nga ba ang HATERS?

Ang mga HATERS ay mga taong kinagagalitan o kinaiinisan ang isang tao. Pero bakit nga ba nagkakaroon ka ng HATERS ? Siguro dahil sa Ugali na mayroon ka,Sa mga kilos mo,o sa BUHAY na meron ka. Katulad na lamang ni bieber im sure kilala niyo naman siya marami siyang haters at marami rin siyang tagahanga. Ano nga ba ang dahilan bakit naiinis ang mga haters sa kanya? Tinanong ko ang isang hater ni bieber.

  •  Dahil pambabae ang BOSES niya.
  •  Mukha siyang BADING.
  •  Masama ang kanyang UGALI.


Yan ang mga sinabi niya about kay BIEBER kaya sila galit kay BIEBER dahil siguro jan :)

Isa tong halimbawa ng mga LARAWAN na inedit ng mga HATERS about kay BIEBER.
Ngayon pano mo maiibsan ang mga haters ? Isa lang ang SOLUSYON jan.

MAGPAKATOO ang sagot sa tanong na yan.










Ang Kaps ng Muks.



Spratlys Islands at Scarborough Reef! 

MALAPIT ba sakanila yan ?


Ang Lalaki \m/



Ang lalaki :


Hindi mahilig sa mahabang usapan.

Hindi tumatagal sa seryosong usapan.

Mabilis mainip sa isang sitwasyon.

Hindi mahilig sa mahabang paliwanag.

Mabilis uminit ang ulo.

Nakakapagsabi ng hindi maganda minsan.
Madalas tumingin sa mga sexy na dumadaan.


Pero kahit ganun, ang lalaki pag nagmahal ng TOTOO :




✔ Kahit hindi mahilig sa mahabang usapan, basta makausap lang babaeng mahal nya, kahit wala nang mapag-usapan, ayaw pang ibaba ang cellphone.


✔ Hindi man tumatagal sa seryosong usapan pero pag tungkol sa kanilang dalawa at sa kung ano mang problema nila ng babaeng mahal niya gumagawa ng paraan para maayos agad at hindi na lumala pa.


✔ Kahit mainipin man pero pag kasama ka na, parang ayaw ka pang pauwiin kasi gusto ka pang makasama ng matagal.


✔ Hindi man mahilig sa mahabang paliwanag pero kung nasasaktan na, kahit ayaw mo pang making sa paliwanag na yun, mag-eeffort pa rin para mapaintindi ka.


✔ Mabilis man uminit ang ulo pero sa isang lambing mo lang, lumalamig na.


✔ Nakakapagsabi man ng hindi maganda minsan, dala lang yun sa init ng ulo. Pagkatapos ng away, hihingi pa rin ng tawad. Kasi para sa mga lalaki dapat sila yung boss pero ang totoo, kayo pa rin mga babae yun. :))


✔ at kahit madalas silang tumingin sa iba at pumuri sa mga magagandang babae dyan, bago sila matulog, kayo pa ring mga babae ang nasa isip nila. Kayo pa rin an ang nag-iisa sa puso nila at pinakamaganda sa paningin nila. :))))



Saturday, April 28, 2012

Ano nga ba ang SUMMER?



Minsan may tuamatakbo sa isipan ko ang katanungan "Ano nga ba ang SUMMER?" Ito ba yung pag sobrang init ng panahon. Ngayon kailan ba nag uumpisa ang panahon ng "SUMMER" ? I search niyo sa wikipedia.Dahil nandito na kayo para basahin to sasagutin ko yang tanong na yan. Ang Summer ay nag uumpisa last week ng March at natatapos sa first week ng June. Kung nararamdaman niyo ng sobrang init na ng panahon ibig sabihin summer na yun! Aaminin ko sainyo kahit sobrang init ng panahong ito , Eto ang panahon na pinakafavorite ko kasi walang ARAL. pero ang iba ay mayroong "SUMMER CLASSES" katulad ng kolehiyo , halimbawa kung pinili mo ang kursong nars 5 years yun dito sa DLSHSI. Kung gusto mo gawing tong 4 years kailangan mong mag summer class every year hanggang sa maggraduate ka ayon sa ATE ko. Haha. 

Pero napapansin niyo ba na kahit first week na ng June ay sobrang init pa rin. Hindi na yun summer. GLOBAL WARMING na ang nararanasan nating init. Alam niyo ba kung bakit may GLOBAL WARMING ? Dahil sa atin nagsusunog tayo ng mga plastics , gumagamit tayo ng mga pabango , pinuputol ang puno atbp. sa tingin ko alam niyo na naman yun diba? at higit pa dun ALAM rin natin ang SOLUSYON para maagapan ang GLOBAL WARMING pero bakit hindi pa rin natin ginagawa ang solusyon ?

Umpisa ng Paglalakabay ni Charles.




Hello ako po si Charles Sarabillo isang baguhan ang gusto ko malaman niyo na kaya ako gumawa ng sarili kong blogspot ay gusto ko iexpress ang lahat ng nakikita ko sa mundong to lahat ng ginagawa ko pagbigyan niyo tutal ako ay isang baguhan pa lamang diba ? Ngayon sana magustuhan niyo lahat ng ipagpopost ko sa aking blogspot kung hindi niyo man magustuhan ay okay lang sakin . Maraming SALAMAT po.